Friday, March 9, 2012
Ang simula, ang simbolo
Matagal na pinag-isipan, ilang taon nang pilit sinusubukan. Ngunit kapag akmang nandiriyan na ay biglang nangangawala ang mga ideya. Parang mga usok na naglalaho at sumasama sa hangin. Minsan, basta hindi ko na masundan dahil sanga-sanga na ang mga gusto kong sabihin at ako mismo ay hindi ko na rin maintindihan.
Ang blog, akala ko kasi noon, ay isang lugar na dapat ay puro magaganda ang laman, na ang maaaring gumawa lamang ng ganito ay mga manunulat at ang mga magagaling sa computers, at ang mga laging online.
Kaya hindi ako makagawa-gawa.Kahit isa sa mga nabanggit ko kasi ay hindi ako pumapasa.
Pagkatapos, heto, may nabasa akong blog na puno ng katatawanan, at mayroon ding puro mga kabulastugan. Ang iba namang blog ay puro mga kinopya lang din sa ibang mga blogs, at libro, at sine, at kung saan-saan pa.
Ngunit dahil may isa akong kaibigang sobrang kulit at matagal na akong pinipilit mag-blog, sige susubukan ko, at sana ay matutuhan ko rin kung paano ayusin ang mga ito, at pagandahin, sa kalaunan.
Ang post na ito ang aking simula, ang simbolo ng pagiging ignorante ko sa blogging. Mapatawad sana ako ng patron ng mga elitista at medya-medya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
leave your comments here: