Sunday, March 25, 2012

And the torment continues



With every splash
And every swish
My heart yearns
My soul weeps

Narrowing shores
The sand has moved
My tears have dropped
On the water's loop

I cannot remember
Of when or where
The day you smiled
And my world has turned

Windy breeze
Caressing my skin
Bring me to him~
Bring me to him~


Wednesday, March 14, 2012

Tides Over Blue


Roaring and rolling
Tides a-swimming
To the distant shore
They go a-whirling

Bits of water
Salty and blue
When I get nearer
The farther they go

Ocean of beauty
View it for free
For  waters at sea
Are teardrops of me





Ang kahulugan ng mga alon



Kung sana ay naibubulalas ko ang aking niloloob
kagaya ng sa dagat at ng alon nitong umiikot
Naghahabulang animo'y may ipinahihiwatig,
Habang pinagmamasdan lamang ito ng langit.

Kung sana, sa pagdating ng alon sa dalampasigan,
Kasabay na ring maglaho ang bigat ng nararamdaman
Aanib sa buhanginan, mahahampas, mawawasak...
At wala nang kapangyarihan 'pag bumalik sa dagat

(Aileen)


Friday, March 9, 2012

'Singlawak ng karagatan


Malawak ang karagatan. Singlawak ito ng isipan ng tao. Ngunit gaano man ito kalawak ay mayroong simula at hangganan. Naglalaman ito ng ibat-ibang mga nilikha na nagbibigay kulay at buhay sa ilalim ng tubig.

Habang nandiriyan ang tubig, inilalarawan nito ang mukha ng langit----- ang kulay ng kalangitan. 

Kapag tag-araw, ito ay kulay-asul, kapag tag-ulan, ibinabahagi nito sa paningin ng tao ang kulay ng mga ulap. Sa gabi, naaaninag dito kung ano ang mga nakikitang liwanag sa katapat niyang bahagi ng kalawakan.

Ang karagatan, ang tubig, ay ang larawan ng kalawakan. Kung gaano ito kaluwang ay ganoon din ang maaari niyang ipakita sa sinumang nakaharap, o nakaabang. 

Kagaya ng isipan, animo ay wala itong hanggan, walang kapaguran sa pagtuklas sa mga bagay na ninanais niyang malaman. Subali't gaano man ito kalawak ay hindi nito maiisip ang mga bagay na wala siyang pakialam. Binibigyan nito ng puwang ang mga agam-agam, at tinutuldukan ang mga bagay na alam niyang kailangan nang masarhan.

Sa isang munting patak ng tubig, magkakaroon ito ng mga maliliit na alon (onda) sanhi ng pagkabulabog. Sa isang maliit na kadahilanan, maaaring mahalukay ang nananahimik na isipan, at ito ang magiging hudyat ng walang kapagurang paglingon nito upang alamin kung ano ang nangyayari at kung ano ang sanhi. 


Ang simula, ang simbolo


Matagal na pinag-isipan, ilang taon nang pilit sinusubukan. Ngunit kapag akmang nandiriyan na ay biglang nangangawala ang mga ideya. Parang mga usok na naglalaho at sumasama sa hangin. Minsan, basta hindi ko na masundan dahil sanga-sanga na ang mga gusto kong sabihin at ako mismo ay hindi ko na rin maintindihan.

Ang blog, akala ko kasi noon, ay isang lugar na dapat ay puro magaganda ang laman, na ang maaaring gumawa lamang ng ganito ay mga manunulat at ang mga magagaling sa computers, at ang mga laging online.

Kaya hindi ako makagawa-gawa.Kahit isa sa mga nabanggit ko kasi ay hindi ako pumapasa.

Pagkatapos, heto, may nabasa akong blog na puno ng katatawanan, at mayroon ding puro mga kabulastugan. Ang iba namang blog ay puro mga kinopya lang din sa ibang mga blogs, at libro, at sine, at kung saan-saan pa.

Ngunit dahil may isa akong kaibigang sobrang kulit at matagal na akong pinipilit mag-blog, sige susubukan ko, at sana ay matutuhan ko rin kung paano ayusin ang mga ito, at pagandahin, sa kalaunan.

Ang post na ito ang aking simula, ang simbolo ng pagiging ignorante ko sa blogging. Mapatawad sana ako ng patron ng mga elitista at medya-medya.